Boundary Hulog System for Motorcycle

Nais mo bang magkaroon ng sariling motor pero hindi ka makakuha sa mga dealer? Kung ang sagot mo ay oo, narito na ang isa pang pagkakataon para makakuha ka ng motor sa pamamagitan ng tinatawag na boundary hulog. Ang boundary hulog ay isang paraan para makakuha ka ng sasakyan sa pamamagitan ng pagbayad araw araw sa iyong operator.

Para Kanino Ang Boundary Hulog

Ang boundary hulog ay hindi para sa lahat. Ito ay gagawin mo lamang kapag hindi ka makakuha ng motor sa dealer sa dahilanang hindi ka nakatapos sa dati mong kinuhan motor, wala kang trabaho or ano pa mang dahilan. Ang pagkuha ng boundary hulog ay hindi basta basta dahil kadalasang 1 year to pay lang ang mga ito at mabigat ito sa bulsa kung wala kang tamang diskarte.

Magkano Binabayaran sa Boundary Hulog?

Bawat operator ay may kanya-kanyang paraan sa pagcompute ng daily boundary. Dito sa amin, kapag kumuha ka ng motor sa dealer at 3 taon mo babayaran sa dealer, ang kabuoang ihuhulog mo ng tatlong taon sa dealer ay 1 taon mo lang babayaran kapag kumuha ka ng boundary hulog. Dahil dito mabilis mo syang mababayaran at maaga ka makatapos sa paghuhulog.

Ganito ang sample computation for Honda Click 125i. Ang monthly ammortization sa Honda Click 125i ay 3,700 persos per month kung sa dealer ka kukuha. Ang kabuoang ibabayad mo ay 133,200. Sa Boundary hulog, mas mababa lang ng konti ang babayaran mo pero mas maaga mo ito matatapos bayaran.

DESCRIPTIONDEALERBOUNDARY HULOG
# of Months to Pay3612
Total Amount to Pay133,20013


Boundery Hulog for GrabCar Drivers

Ano ang Mga Motor na Pagpipilian?

Sa ngayon, ang available lamang ay Honda Click 125i (423 PHP per day) at Yamaha Mio (396 PHP per day). Ang araw ng Lingo ay araw ng pahinga kaya ito ay libre at walang bayad.

Honda Click 125i - Blue Color
Honda Click 125i, 423 Pesos Per Day

Requirements for Boundary Hulog

  1. MERALCO Bill kung saan ka nakatira
  2. Proof of income (proof kung paano ka kumikita)
  3. 6,000 Pesos downpayment
  4. NBI clearance
  5. Driver’s License
  6. Signed contract (manggagaling ito sa amin)

Paano mag apply?

Click mo lang ang application form at basahin mabuti ang mga tanong bago ito sagutan. Ikaw ay makakatanggap ng tawag kung ikaw ang mapipiling kandidato para sa application.

Click the application form here.

5 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *