
Ang Citimuber ay isang bagong ride-hailing company tulad ng JoyRide, Angkas at Move It. Gaya ng ibang courier companies, pinupunan din ng Citimuber ang mga pangangailangan ng mga tao sa serbisyo sa pagdedeliver at pagpipick-up mula sa iba’t ibang lugar. Bukod sa mga goods, maaari din itong maghatid ng pasahero sa kanilang destinasyon.
Isa din ito sa mga maaari mong pagkakitaan gamit ang iyong motorsiklo. Narito ang mga hakbang o ang simpleng proseso ng pag-aapply bilang isang Citimuber Rider.
Citimuber Application Requirements
- Android or IOS phone (Idownload ang Citimuber App)
- Professional Driver’s License
- Latest NBI Clearance
- Any motorcycles (Except dirty bikes)
- Latest OR/CR
Citimuber Application Process
Step 1: Idownload ang app sa inyong android phone or IOS. Buksan ito at pindutin ang “register”, at doon ibigay ang mga hinihinging detalye.

Step 2: Pagkatapos pindutin ang register, iupload ang mga hinihinging dokumento tulad ng driver’s license, NBI Clearance, Owner’s Authorization letter (kung iba ang may-ari ng gagamiting motor), at Certificate or Profession License (Halimbawa: Teacher’s license, doctor license or electrician license).

Step 3: Ilagay ang model at unit ng motor na iyong gagamitin. Iselect din ang mga kategorya na iyong nais, kung pwede ka bang magdeliver at magsakay ng pasahero. Tapos kung mayroon kang driver’s insurance at vehicle’s insurance, maaari mo din itong iupload sa form.

Paalala: Siguraduhing tama at totoo ang mga detalyeng ibinigay. Pagkatapos mo ifill out ang application form, intayin lang ang text message mula sa Citimuber.
Frequently Asked Questions (FAQ’s)
Hindi pwede, kinakailangan ng professional license para makapag-apply.
Pwede kang pumunta sa opisina ng Citimuber sa Katipunan Ave, Balintawak, Caloocan, Metro Manila. Ngunit walang fix na schedule ang kanilang opisina.
Kahit anong motor ay pwede mong gamitin, maliban lang sa mga dirty bikes.
Leave a Reply