FoodPanda Rider Application Process and Requirements

Karamihan ng kumuha ng boundary hulog sa motorsiklo sa amin ay rider ng FoodPanda at ibang pang motorcycle taxi rider. Paano nga ba mag-apply bilang FoodPanda rider? Narito ang mga hakbang o steps upang mapabilang sa isa sa mga nangungunang online food delivery service company sa Pilipinas.

FoodPanda Rider Application Requirements

Dahil online ang application, kailangan mo munang siguraduhin na kumpleto ang inyong requirements:

  1. Motorsiklo o Bisikleta
  2. BIR Tax Identification Number (TIN)
  3. Professional Driver’s License (kung motorsiklo ang gagamitin).
  4. LTO Registration (OR/CR) (kung motorsiklo ang gagamitin).
  5. P500 (for uniform and bag)
  6. At least 2 Government Issued IDs
  7. Verified GCash Account

ALAMIN: Paano Mag-Apply sa Mr. Speedy | Byahe Agad

Step 1 – Pumunta sa rider.foodpanda.ph. Piliin ang inyong area at sasakyan na gagamitin (motorsiklo o bisikleta).

Food Panda Application page

Step 2 – Ilagay ang inyong personal information gaya ng pangalan, apelyido, at mobile number.

Profile page

Step 3 – Panoorin ang tutorial video.

Watch the tutorial video

Step 4 – Sagutin ang application form at mag-upload ng valid ID.

Form and Valid ID

Step 5 – Ihanda ang inyong GCash account. Ilagay ang lahat ng detalye na kailangan.

Have a GCash Account ready

Step 6 – I-download ang Roadrunner app. Makukuha ang inyong username at password sa onboard meeting.

Download Roadrunner App

Step 7 – I-download ang Telegram app at gumawa ng account.

Set up Telegram

Step 8 – Pindutin ang “ok” sa Service Agreement.

Service Agreement

Step 9 – Hintayin ang tawag mula sa recruiter upang ma-finalize ang inyong application.

Paalala: Maaring tumagal ang pag-proseso ng inyong application dahil sa dami ng mga applicant.

Frequently Asked Questions

Puwede bang gumamit ng non-professional driver’s license sa pag-apply?

Kailangan po na professional driver’s license ang gamitin sa pag-apply. Hindi na po pinapayagan ang non-pro.

May kailangan bang bayaran sa pag-apply FoodPanda?

Kailangan lang po ng P500 na pambayad sa uniform at bag na inyong gagamitin.

Anu-anong sasakyan ang puwedeng gamitin?

Maaaring gumamit ng motorsiklo o bisikleta.

Gaano katagal ang bago ka matawagan ng recruiter tungkol sa inyong application?

Sa ngayon ay walang eksaktong araw, ngunit tatawagan naman kayo sa lalong madaling panahon. Antayin niyo lang po dahil medyo marami ang nag-a-apply sa kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *